mga munting pag-uusap
ay nagdudulot ng munting ligaya
at madalas sa akin ay nagbibigay saya
ang minsang pagsasama
mas nanais na pang habang buhay
yan lang ang sigaw ng puso ko twina
di ko matago
na ika'y kaibigan ko
ang ninanais na sanay maging tayo
chorus:
ako ay lihim, lihim na nagmamahal sayo
at hindi ko alam ang nararamdamang ito
takot akong umiwas ka
pero sasabihin na
coda:
puso'y nahulog... sa iyo
nagmamahal sa iyo
pag tayo'y magkasama
mga kamay mo ang nais hawakan
sa piling mo yang ninanais ko
at pag ika'y nasa tabi
ang nais ko'y yakapin ka sa tuwina
walang ibang nagdulot sa akin ng ganito
di ko matago
na ika'y kaibigan ko
ang ninanais na sanay maging tayo
repeat chorus 2x
No comments:
Post a Comment